Magsisimula na umano ang administrasyon ni United States President Donald Trump ng kampanya upang buwagin ang umano’y banta ng International Criminal Court (ICC) sa soberanya ng Estados Unidos.
Ito ang inanunsiyo ni US Secretary of State Marco Rubio kasabay ng pahayag ng US State Department na magsasagawa ito ng “whole-of-government response” upang pahinain ang operasyon ng tribunal.
Binigyang-diin ni Rubio na hindi umano papayagan ng administrasyon na usigin ng ICC ang mga opisyal at tauhan ng Amerika.
Kabilang sa mga pinag-aaralang hakbang ang mga travel ban, visa revocation, mas mahigpit na sanction laban sa mga opisyal at kaalyado ng ICC, at paghimok sa ibang bansa na umatras sa korte.
Matagal nang tinututulan ni Trump ang ICC, lalo na matapos itong maglabas ng arrest warrant laban sa kanyang kaalyadong si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Trending
- Frank Vogel kinuha ng Warriors associate head coach
- Sinner napanatili ang titulo sa Wimbledon
- Regalong kotse ni Echo, ibinenta ng utol
- Anjo, aminadong walang pambayad sa TVJ
- Rinoa, mabango sa love scene!
- Pastor arestado sa 12 bilang ng statutory rape
- Defensor, 2 pa naghain ng ‘not guilty’ plea sa ‘plunder’
- P190M inilaan para sa 2 municipal fish port sa Davao del Sur

