INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang mga alituntunin na magbibigay-daan sa aktibong pakikilahok ng mga GAMABA Cultural Master at Bearer sa pagpapaunlad ng kasanayan at pagpapasa ng katutubong kaalaman sa bansa.
Kilala rin bilang National Living Treasures Award ang Gawad sa Manlilikha ng Bayan(GAMABA), ang pinakamataas na parangal ng pamahalaan para sa mga tradisyonal na alagad ng sining na nagpakita ng pambihirang dedikasyon sa pangangalaga ng katutubong pamana ng Pilipinas.
Sinabi ni TESDA Secretary Kiko Benitez, ang kahalagahan ng pag-uugnay sa mga dalubhasa sa tradisyonal na sining at sa mga nakababatang henerasyon upang matiyak na magpapatuloy ang mga katutubong tradisyon.
“Our cultural masters carry knowledge that cannot simply be found in books. It is knowledge learned through practice, passed from one generation to another, and deeply rooted in our communities. Through this initiative, we are creating more opportunities for them to teach, and for our young people to learn, practice, and eventually carry these traditions forward,” pahayag ng Kalihim ng Tesda.
Itinatakda ng mga bagong alituntunin ang isang sistematikong paraan upang makilahok ang mga GAMABA Cultural Master sa mga programa sa pagpapaunlad ng kasanayan, maidokumento ang mga tradisyonal na proseso ng pagkatuto, maisalin ang mga katutubong kasanayan, at makabuo ng mga pangmatagalang oportunidad sa scholarship para sa susunod na henerasyon.
Para sa mga cultural master, nagbibigay ito ng pormal na pagkakataong maibahagi ang kaalamang minana sa kanilang mga ninuno. Para naman sa mga mag-aaral, nagbubukas ito ng pambihirang pagkakataong matutuhan nang direkta mula sa mga kinikilalang tagapag-ingat ng kulturang Pilipino ang mga tradisyonal na kasanayan.
Buwan ng Oktubre 16 inilunsad ang mga implementing guidelines sa seremonyang nagtapos sa tatlong-araw na aktibidad na “GAMABA: Honoring the Masters, Sustaining the Legacy,” bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month. of
Sa naturang seremonya, Nilagdaan din ng TESDA, NCCA, at NCIP ang isang Joint Declaration of Commitment na siyang magiging mahalagang bahagi ng Memorandum of Agreement. Ang MOA ay maglalayong pangalagaan, idokumento, at maipasa ang tradisyonal na kaalaman sa mga susunod na henerasyon.
“Preserving our heritage means making sure that there will always be someone who can continue the craft, tell the story, and keep the tradition alive. We want our learners to see that these skills are not only part of our past; they are also living skills that can continue to create opportunities and strengthen Filipino identity ng TESDA.pahayag ng Kalihim ng Tesda Benitez. (Gina Garcia)

