Binuksan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang emergency loan para sa mga miyembro at pensionado na naapektuhan ng Bagyong Crising at pinalakas na habagat sa apat na lugar na idineklara bilang calamity areas: Cavite, Quezon City, Umingan, Pangasinan, at Calumpit, Bulacan.
Maaaring humiram ng hanggang ₱40,000 ang mga dati nang may utang.
Sa First-time borrowers, hanggang ₱20,000.
Dapat bayaran sa loob ng 3 taon, may 6% annual interest, walang processing fee.
Kwalipikado ang mga miyembrong: Nagtatrabaho o naninirahan sa mga apektadong lugar;
aktibo sa serbisyo at hindi naka-leave na walang bayad; Walang naka-pending na kaso; Nakapagbayad ng hindi bababa sa 6 monthly premiums; at may netong take-home pay na hindi bababa sa ₱5,000.
Sa Pensionado (Old-age/Disability): Maaaring mag-apply basta’t ang netong pensyon pagkatapos ng loan amortization ay hindi bababa sa 25% ng kabuuang pension.
Maaring mag-apply: Gamit ang GSIS Touch mobile app; Sa GWAPS kiosk o GSIS branches;at
Over-the-counter para sa mga hindi pa rehistrado sa apps.
Trending
- Goitia: Kasunduang Marcos–Trump Isang Matalinong Diskarte , Hindi Pagsuko
- DATING “REBELDE”, SUMUKO
- IMPEACHMENT : VP SARA KINATIGAN NG KORTE SUPREMA
- ONLINE BLOG NA NAGDAWIT KAY FL INUPAKAN NI GOITIA
- PACQUIAO: HILERA ANG KALABAN
- GSIS : Emergency Loan pwede na
- TIRADOR NA MOTOR, TIKLO
- DUTERTE KINATIGAN NG ICC