Isang dating miyembro ng Communist Front Organization (CFO) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Barangay Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa ng umaga, Hulyo 24, 2025.
Ayon kay Police Major Jheneil G. AcuÑa, acting chief of police ng DRT MPS, kinilala ang sumuko na si alyas Mari, barangay volunteer at residente ng Pandi, Bulacan, na na-recruit ng grupo noong 2017.
Resulta ng joint operations ng DRT MPS, RIU3, PIU Bulacan PPO, 2nd PMFC, 2SAB/24SAC PNP SAF, at RID 3 ang pagsuko ni alyas Mari na isinailalim sa debriefing.
Ayon kay Police Clonel Angel L. Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang pagbabalik-loob ni alyas Mari ay patunay ng tagumpay ng kampanya ng pamahalaan kontra insurhensiya at suporta sa mga nagnanais magbagong-buhay.(DG)
Trending
- Kelot tiklo sa boga
- Biado at Regalario sa semifinals ng World Pool Championship
- Goitia: Kasunduang Marcos–Trump Isang Matalinong Diskarte , Hindi Pagsuko
- DATING “REBELDE”, SUMUKO
- IMPEACHMENT : VP SARA KINATIGAN NG KORTE SUPREMA
- ONLINE BLOG NA NAGDAWIT KAY FL INUPAKAN NI GOITIA
- PACQUIAO: HILERA ANG KALABAN
- GSIS : Emergency Loan pwede na