PINABORAN si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng  International Criminal Court (ICC) sa huling desisyon na ng pagpapaliban sa  paglalabas ng desisyon sa kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang paglaya, habang hinihintay pa ng kanyang mga abogado ang pagbuo ng mga kinakailangang dokumento bilang suporta.

Sa majority decision ng Pre-Trial Chamber 1, napagpasyahan na huwag munang maglabas ng desisyon hangga’t hindi pa kumikilos ang kampo ng depensa ukol sa usapin o hanggang sa ito’y makita ng Chamber na nararapat.

Ayon sa dokumento, tumutol si Hukom María del Socorro Flores Liera sa desisyon na sinang-ayunan nina presiding Judge Iulia Antoanella Motoc at Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou.

Binigyang-diin ng tribunal na ayon sa Article 60(2) ng Rome Statute, ang pagproseso para sa pansamantalang paglaya ay maaari lamang isagawa ng taong may arrest warrant, at may karapatang maghain ng kahilingan anumang oras habang nililitis.

Dagdag pa ng Majority, ang desisyong ito ay hindi dapat bigyang-kahulugan bilang paghatol sa anumang aspeto ng kasong may kaugnayan sa hinihiling na pansamantalang paglaya.

Sa isang pampublikong kopya ng kahilingan ng depensa, na pirmado ni Atty. Nicholas Kaufman at isinampa noong Hulyo 14, 2025, iginiit ng kampo ni Duterte na huwag munang magdesisyon ang ICC hangga’t hindi naibabahagi ang ilang dokumento sa Chamber at sa depensa—na anila’y hindi isinama sa pampublikong bersyon.

Ayon sa salaysay, noong isinampa ang kahilingan ni Duterte noong Hunyo 12, 2025, ay matagal nang sinusubukan ng depensa na makuha ang ilang dokumento—ngunit ito’y umano’y pinabagal at nahirapan silang makuha sa loob ng dalawang buwan.

Noong Hunyo, humiling ang kampo ni Duterte sa ICC na payagan siyang mailipat sa isang bansa (na hindi pinangalanan sa publikong dokumento).

Base sa 16-pahinang kahilingan, pumayag ang nasabing bansa na tanggapin ang dating Pangulo habang nililitis siya ukol sa mga paratang ng crimes against humanity, kaugnay sa mga pagpatay sa ilalim ng giyera kontra droga bilang alkalde ng Davao at bilang Pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Kaufman:

“Hindi natutugunan ni Ginoong Duterte ang mga kundisyon sa ilalim ng Article 58(1)(b) para sa patuloy na pre-trial detention. Wala siyang malinaw na panganib ng pagtakas, at hindi kailangan ang kanyang pagkaka-aresto upang maprotektahan ang integridad ng imbestigasyon o maiwasan ang patuloy na krimen.”

“Kaya’t nararapat lamang na siya’y kaagad na palayain mula sa kustodiya ng ICC.”

 

Share.
Exit mobile version