INAAREGLO na ang  mga posibleng makakalaban ni Manny Pacquiao na inaasahang panibagong multi-bilyong pisong grand bout.
Bukod ang rematch kay Mario Barrios, inaasahang ang mas malaking Labanan kontra kay Floyd Mayweather Jr.
Bukas si Pacquiao sa rematch kay Barrios: “kung gusto niya.”
Noong 2015, umabot sa higit $400 milyon ang kita sa laban nila ni Mayweather— kaya posible ulit itong makapagtala ng record.
Pwederin ang laban kay Gervonta “Tank” Davis na isang explosive matchup — bata laban sa alamat.

Malakas sa PPV si Davis, at ang istilo ni Manny ay tiyak na makakaengganyo ng fans.


Hinahamon din si Keith Thurman sa isang Rematch.
Natalo na ito ni Manny noong 2019.
Maaari itong ibenta bilang laban ng legacy vs redemption.
Namumuro rin si Conor Benn o Rolly Romero na batang bituin na may sari-sariling fan base.
Hindi kasing laki ng pangalan, pero malaki pa rin ang potensyal sa kita.
Sa laban nila ni Barrios, kumita si Manny ng humigit-kumulang PHP 1B+ ($17–18M) — kasama na ang PPV share.
Noong 2015 laban kay Mayweather, kumita siya ng higit $130 milyon — pinakamataas sa career niya.
Sa kanyang pagbabalik, 13,000 katao ang dumagsa sa MGM Grand — patunay na siya’y isa pa ring malaking draw.
“Hindi ko kailangan ng pera. Kailangan ko ng kasaysayan,” yabang ni Pacquiao

Share.
Exit mobile version