Tinambakan ng Phoenix Fuel Masters ang Titan Ultra 109-76 sa nagpapatuloy na PBA Season 50 Commissioner’s Cup.
Sa first half pa lamang ay dominado ng Phoenix ang laro kung saan umabot pa sa 21 ponts ang kanilang kalamangan sa laro na ginanap sa Montalban.
Pagpasok ng second half ay sinubuka ng Titan na mailapit ang laban subalit nananatiling matindi ang ipinakitang depensa ng Phoenix.
Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng Phoenix sa pamumuno ng kanilang bagong coach na si Charles Tiu.
Bumida sa panalo ng Phoenix si Ricci Rivero na nagtala ng 18 points habang mayroong 17 points at 17 rebounds ang kanilang import na si James Dickey.
Nasayang naman ang nagawang 27 points at 20 rebounds ni Titan import Michael Gilmore.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

