Nakuha ni Chariz Zaide ng Team SLETBA ang korona sa Ladies Masters Division ng 58th MTBA Open Tenpin Championships sa Playdium Bowling Center Araneta Avenue, Quezon City.
Umiskor si Zaide ng 1,568 points sapat upang maiuwi ang premyong P30,000 pesos at isang napakagandang trophy sa kumpetisyong suportado ng Philippine Sports Commission, Remate Dyario ng Masa, Congressman Arjo Atayde, Lion’s Bowling Club, Viking, Vafiant Bowling Club, PDF, U&I Bowling Club, SLETBA We Are Family, CHARIS ZAIDE & JAMES TONGOL, Bowl Shower, UBL, Greenfield, Manila Tenpin Bowler’s Association, Bowlkadas, Philippines Senior Bowling Association, Robust, Friends in Bowling at JM Realty and Lending Corporation.
Hinirang na 1st runner up winner si Elsie Ang ng PTBA matapos umiskor ng 1,561 upang masungkit ang P15,000 cash prize at trophy.
Hindi rin nagpahuli si Daphne Tan, pambato ng PTBA-DRS, na umiskor ng 1,535 upang maitakas 2nd runner up crown na may kasamang P8,000 cash prize sa prestihiyosong kumpetisyon na nilahukan ng magagaling na keglers ng bansa.
Ayon kay Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers’ Association (MTBA) President Benny Antiporda, layunin ng kumpetisyon na makadiskubre at magdevelop ng mga manlalarong pwedeng isabak sa mga international at local kumpetisyon bukod pa sa lalong palaganapin ang sports na bowling sa bansa.
Nagwagi rin sina Tintin Robles ng PTBA-Playdium at Jane Diaz (PBA U&I) bilang 4th at 5th placer, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Tumanggap si Robles ng P5,000 na cash prize habang si Diaz ay tumangay ng P4,000 prize money.

Share.