Matapos ipaalam sa publiko ang kanilang engagement, agad namang ipinagdiwang nina Yassi Pressman at Camarines Sur Representative Luigi Villafuerte ang panibagong yugto ng kanilang relasyon.
Noong Sabado inanunsiyo ng celebrity couple ang kanilang engagement, na agad namang ikinatuwa ng mga tagahanga ni Yassi.
Marami ang nagsabing si Cong. Luigi na nga ang lalaking itinadhana para sa aktres dahil kitang-kita umano ang saya nito sa tuwing nagkukuwento tungkol sa kanilang relasyon.
Hindi rin nagtagal ay namataan ang dalawa sa Medusa at The Palace sa Bonifacio Global City, kung saan umano nila ipinagdiwang ang kanilang engagement.
Ayon sa isang source ni Jun Lalin, masayang-masaya ang bagong engaged couple habang nagse-celebrate.
“Saw Yassi sa Medusa after nila mag-announce ng kanilang engagement. Mukhang ang saya niya!” kuwento ng source.
Kilala ang Medusa bilang isa sa mga paboritong puntahan ng mga celebrity para sa iba’t ibang espesyal na okasyon.
Kaya naman hindi na rin ikinagulat ng marami na doon piniling ipagdiwang nina Yassi at Cong. Luigi ang kanilang engagement.
Marami rin sa kanilang supporters ang nagpahayag ng kasiyahan at excitement para sa nalalapit na kasalan ng dalawa.
Trending
- Aerobic Gymnastics Asian Championships ng Senior sa Agosto 4-7
- Gilas bumagsak sa 39th sa FIBA world rankings
- Yassi, Cong. Luigi nag-celebrate matapos ang engagement announcement
- Donny, Belle ‘di na sweet sa isa’t isa?
- Klea, Janella magkasama sa pagbili ng bagong sasakyan
- Kamara, handa na sa Ika-5 SONA ni PBBM
- NBI kinuwestiyon sa magkaibang treatment kay VP Sara sa teacher na nagbanta kay Digong
- Subpoena sa financial records ni VP Sara, inilabas na

