There’s no stopping Yasmien Kurdi.
Itinuloy pa rin kasi ng aktres at asawa niyang si Rey Soldevilla ang pagsasampa ng kaukulang reklamo sa DepEd laban sa dating pinapasukang eskuwelahan ng anak na si Ayesha Zara.
Bunsod ito ng dinanas na bullying ng bata noong December 2024.
Ayon sa emosyunal na inang aktres, her daughter was not accorded due protection supposedly by the school.
Ayesha claimed to have been bullied by her classmates.
Nitong nakaraan lamang, nag-post si Yasmien tungkol sa kanyang nararamdaman makaraang makinig ang DepEd sa kanyang reklamo.
Nagpasalamat ang Kapuso actress sa ilang abogado at mga law professor niya dahil sa payo’t paggabay ng mga ito.
Yasmien also thanked ceetain DepEd officials sa kanilang suporta’t malasakit.
Giit ni Yasmien, hindi lang daw ‘yon laban ni Ayesha kundi ng ibang mga batang mag-aaral na dumaranas ng bullying.
Ibinahagi din ng aktres kung saan maaaring dumulog ang mga magulang ng mga batang biktima ng pambu-bully.
Matatandaang hindi na pinapasok ni Yasmien si Ayesha sa school nito matapos ang insidente ng bullying.
Nag-home study muna ito hanggang itinuloy ang pag-aaral sa De La Salle Santiago Zobel School sa Muntinlupa City.
Nasa Grade 8 na si Ayesha sa kasalukuyan.

