Nakatakdang maglaro ang North Korean women’s football club sa South Korea.
Ayon sa unification ministry ng Seoul, sila ang magiging unang koponan mula sa bansa na maglalaro sa South Korea mula pa noong 2018.
Mula kasi ng magkaroon ng giyera ang North at South Korea noong 1950 hanggang 1953 at natapos ito sa pamamagitan ng isang kasunduan ay naging bihira na ang ginaganap na sporting at cultural exchanges.
Makakaharap ng Naegohyang Women’s Football Club ang Suwon FC Women ng South Korea sa Mayo 20 para sa semi-finals ng Asian Champions League.
Binubuo ng 27 manlalaro at 12 club staff ang koponan mula sa North Korea kung saan darating sila sa Mayo 17.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

