Habang mariing iginigiit ang legalidad ng kanyang liderato, nagpalabas si Senate President Alan Peter Cayetano ang advisory nitong Martes sa work schedule ng empleyado ng Senado sa pagdiriwang ng Independence Day sa Biyernes, June 12.
Sa detalyadong kalatas na ipinalabas nitong Martes, sinabi ni Cayetano na susundin ng empleyado ang 8 a.m hanggang 5pm na work schedule kapag pumatak ang anumang holiday sa araw ng Biyernes.
Makikita sa kalatas na ipinalabas ni Cayetano na galing sa “Office of the Senate President,” ipinahayag ang binagong oras ng trabaho.
“In view of the upcoming Independence Day on Friday, June 12, 2026, please be reminded that… the Senate shall automatically implement the 8:00 a.m. to 5 p.m. working hours should a holiday falls on a Friday,” aniya.
Simula nang maupo bilang Senate President Pro-Tempore si Senador Sherwin Gatchalian, iginigiit ni Cayetano ang legalidad ng kanyang pamumuno base sa 1987’ Constitution, Rules of the Senate at Bibliya.
Itinuturing ng kanyang kaalado na illegitimate ang liderato ni Gatchalian.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

