May hangganan ang pagtulong.
Ito ang gustong isaksak sa kukote ni Cristy Fermin sa ilang kababayan nating hindi pa nagkasya sa palibreng sakay ni Willie Revillame, sa gitna ng pagtaas ng produkto ng petrolyo sa bansa.
Nakipag-coordinate na kasi ang TV host sa LTFRB para sa lisensya ng anim na mini bus na binili niya para magsakay sa ilan nating kababayan–nang libre.
Ano’t kulang pa pala ang ambag na ito ni Willie na hinihiritan din ng libreng bigas!
Ito ang paksang tinalakay sa Cristy Ferminute.
Ayon sa co-anchor ni Cristy na si Rommel Tsika, mukhang mapapahinuhod si Willie na magbigay ng libreng bigas.
Kilala nga kasing bukas-palad ang Wilyionaryo host–na kahit hindi nahihilingan ay kusang nagbibigay.
Kontra naman si Cristy kung sakali mang gawin ‘yon ni Willie.
Ani Cristy, iniabot na nga daw ni Willie ang kanyang daliri–buong katawan ba nito ay kukunin pa?
“Hindi gobyerno si Willie!” naninindigang depensa ni Cristy.
Sinang-ayunan naman ng mga CFM listeners ang katwiran ni Cristy.
Hindi na nga naman sisipaging magtrabaho ang ilang Pinoy kung mabubuhay sa puro asa na lang sa tulong.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

