May pangangailangan umanong ipursigi ang waste-to-energy program upang malutas ang ilegal na pagtatapon ng basura na bumabara sa mga daluyan ng tubig sa bansa.
Ito ang inihayag ng Malacañang matapos ihayag ng Department of Public Works and Highways na nasa energy crisis ang bansa dahil sa santambak na mga basurang nakabara sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig na nagresulta sa malawakang pagbaha.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, pinakilos agad ng Pangulo ang mga ahensiya ng gobyerno upang masolusyonan ang matinding problema sa basura.
“Sabi nga niya, kailangan ipursugi itong waste-to-energy program, hindi puwedeng magtulog-tulugan dito,” ani Castro.
Kapag naisulong aniya ang programa ay ipo-proseso ang mga basura para gawing enerhiya sa halip na itapon ang mga ito sa mga daluyan ng tubig.
Ngayong Miyerkules ng umaga ay perosnal na pinuntahan ng Pangulo ang ginagawang clearing at waste collection operations sa Diokno Pumping Station at Baclaran river malapit sa LRT Redemptorist station sa Baclaran, Parañaque City.

======

Share.