Sa loob ng anim na taon pagtatago ng 43 anyos na wanted sa kasong panggahasa ang naaresto ng Valenzuela pulis nang matunton ng pulisya sa San Mateo, Rizal.
Matagal nang tinutugis ng pulisya ang akusado dahil sa nakabinbing nitong arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 270, Valenzuela City, noong December 16, 2021, para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Sa ulat na tinangap ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na naninirahan sa San Mateo, Rizal ang akusado na nakatala bilang ranked No. 6 Top Most Wanted Person sa NCRPO.
Bitbit ang nasabing warrant, agad nagkasa ng manhunt operation ang pinagsamang mga operatiba Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section at Women and Children Protection Desk (WCPD) na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-12:15 ng tanghali sa harap ng San Mateo Medical Center, sa Barangay Ampid II, San Mateo, Rizal.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail.(Roger Panizal)

