INATASAN kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Officer-In-Charge Police Brig.General Christopher Abrahano ang limang district directors, chief of police at station commander ang paglulunsad ng anti-dugo-dugo awareness campaign.

Napag-alaman na ang dugo-dugo gang ay ang kilabot na grupo na sangkot sa pagnanakaw at ang kanilang target na biktimahin ay ang mga household employees.

Kung saan namamanipula nila ito gamit ang mga fabricated emergencies at dito ay nakukulimbat na nila ang mga alahas at pera na kanilang magiging biktima.

Ang naging hakbangin ng NCRPO director bunsod sa insidente sa Pasig City matapos matangay ng mga suspek ang nasa mahigit sa P3 million luxury items.

Matapos nilang tawagan ang isang household employee na naaksidente ang amo nito at kailangan nito ng pera para pambayad sa ospital. (Gina Garcia)

Share.