IBINIDA ni Manila Mayor Isko Moreno Domago ang hindi pagtataas ng buwis sa pagnenegosyo ng kanyang administrasyon kayat ang Maynila ang pangunahing destinasyon ng mga dayuhang mamumuhunan.
Inilahad ito ng alkalde sa mga kinatawan ng American Chamber of Commerce in the Philippines nang mag courtesy call sa kanyang tanggapan Huwebes ng umaga at dito binanggit ang mga binalangkas niyang pangako ng kanyang administrasyon na panatilihing mababa ang gastos sa pagnenegosyo, maging madali ang mga patakaran at regulasyon, at mapanatili ang matatag na kapaligiran sa pamumuhunan.
Sinabi ng alkalde sa delegayon na naka-angkla ang kanyang pamamaraan sa pamamahala sa pagnenegosyo sa tatlong pangako, kabilang ang plataporma sa Minimum Basic Needs (MBN) paglikha ng oportunidad sa pagnenegosyo at mapanatili ang matatag na mga panuntunan.
“When you pay one peso, you get one peso receipt,” sabi pa ni Mayor Isko Moreno Domagoso na aniya ay sentro ng kanyang paninindigan na magkaroon ng transparency at pananagutan sa mga transaksiyon ng pamahalaan.
Inilahad din niya ang konkretong pagbabago upang maging madali ang pagnenegosyo sa Maynila, kabilang ang pagbabawas sa zoning requirements ng pito na lamang sa dating 22.
“You are always welcome to do business in Manila. It is inexpensive to do business in Manila. We will not raise taxes,” sabi pa ni Mayor Isko Moreno.
Sinabi naman ni AmCham Philippines Executive Director Ebb Hinchliffe na nanguna sa delegasyon na lumampas pa sa kanilang inaasahan ang pakikipagpulong sa alkalde na lubos na nagbigay sa kanya ng kumpiyansa na irekomenda ang Maynila sa mga kababayan at iba pang dayuhang mamumuhunan para magtayo ng negosyo.
“This is always more than we expected today. To meet with the mayor is always an honor and a privilege, and what we were looking for is to learn more about why American investors or other foreign investors should come and invest in the city of Manila,” pahayag ni Hinchliffe.
“Mission accomplished. He very clearly outlined the reasons that Manila is open for business, and I can now go back and very confidently recommend the city,” dagdag pa niya.
Nasa 900 ang miyembro ng AmCham Philippines sa buong bansa na kumakatawan sa malawak na dami ng mga American at multinational companies na nagpapatakbo ng negosyo sa Pilipinas. (Edison de Jesus)

