NILINAW ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes, Hunyo 12, na wala raw siyang balak agawin ang posisyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at iginiit na nanumpa siyang dedepensahan ang Konstitusyon.
Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa Davao City matapos ang aktibidad para sa Araw ng Kalayaan, tinanggihan ni Duterte ang mga panawagan mula sa ilang grupo at mga retiradong opisyal ng militar na pamunuan niya ang isang kilusang kahalintulad ng People Power upang alisin si Marcos sa puwesto.
Binigyang-diin ng Pangalawang Pangulo na anumang pagbabago sa pamumuno ng bansa ay dapat dumaan sa mga proseso na naaayon sa Konstitusyon, at iginiit na bilang Bise Presidente, siya ang itinalagang konstitusyonal na kahalili ng Pangulo.
“Ako, I am the constitutional successor, I am the next in line ayon sa ating Constitution,” ani Duterte. “At mayroon akong sinumpaan noong ako ay nag-assume ng office of the Vice President at nakalagay doon that I will preserve and defend the Constitution.”
“So, wala sa aking mga kamay ang pagsasagawa ng extra-constitutional means to overthrow the current administration at hindi ko rin gusto ‘yon,” giit pa niya.
Itinanggi rin ni Duterte ang mga mungkahi na nais niyang palitan si Marcos bago matapos ang kanyang termino.
“Hindi ko gusto agawin ‘yung posisyon ni Bongbong Marcos,” aniya. “Gusto ko makita ng taong bayan hanggang sa dulo kung gaano ka walang-hiya si BBM.”
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

