Nagbigay ng maikling pahayag si Vice President Sara Duterte nang humarap sa media matapos dumating sa Senado nitong Martes ng tanghali, Hulyo 7.
Ito ay ilang oras bago magsimula ang nakatakdang pangalawang araw ng kanyang impeachment trial.
Hindi sinagot ng Bise Presidente ang mga tanong ng mga reporter at nagbigay lamang ng pahayag.
“In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed,” ani Duterte.
Nauna nang sinabi ni Atty. Michael Poa na hindi dadalo si Duterte sa impeachment trial at nagtungo lamang ito sa Senado upang makipagpulong sa kanyang defense team.


VP Sara dumating na sa Senado

Dumating na si Vice President Sara Duterte sa Senado nitong Martes, Hulyo 7.
Ito ay bago magsimula ang nakatakdang pangalawang araw ng kanyang impeachment trial.
Samantala, una nang sinabi ng kanyang abogado na si Atty. Michael Poa na makikipagpulong lamang si Duterte sa kanyang defense team at hindi dadalo sa paglilitis.
“Yes, darating si VP but she’s only here to have a meeting with us. She will not be attending the trial,” ani Poa.
Nang tanungin naman kung bakit sa Senado gaganapin ang kanilang pulong, sinabi ni Poa na “Because nandito ‘yung defense and alam mo naman si VP mas gusto niyang kung saan convenient sa amin.”
Matatandaang hindi dumalo si Duterte sa unang araw ng impeachment trial noong Lunes, Hulyo 6.
====

Share.