Babawasan ng Thailand ang visa-free stay period ng mga turista mula 60 araw ay gagawing 30 araw para sa 93 bansa, ayon sa foreign minister nito.
Ayon kay Foreign Minister Sihasak Phuangketkaeow, isusumite pa sa gabinete ang panukala upang opisyal na maipatupad ang pagbabago na layong maiwasan ang kriminalidad at misuse ng visa privileges.
Simula Hulyo 2024, ipinatupad ng Thailand ang 60-day visa-free entry para sa mga turista mula sa 93 bansa.
Kasabay nito, magsasagawa rin ang mga awtoridad ng mas mahigpit na pagsusuri sa iba’t ibang visa upang matiyak na tama ang paggamit nito ng mga pumapasok sa bansa.
Layunin ng hakbang na pigilan ang posibleng pag-abuso sa mas mahabang pananatili at paglahok sa ilegal na aktibidad.
Mula Enero hanggang Mayo 10, 2026, umabot sa 12.4 milyon ang foreign tourists sa Thailand, mas mababa ng 3.43% kumpara sa nakaraang taon.
Trending
- Kauna-unahang ‘openly gay’ player ng NBA na si Jason Collins pumanaw @ 47
- Pinuri ni Hidilyn Diaz si Delos Santos para sa record-breaking na ginto
- Sexy OOTD ni Barbie, pinalagan ng fans
- Sexy viral pic ni Joshua, gawa ng Al
- Ysabel Ortega, ‘chaka’ ‘pag bagong gising?
- Fuel surcharge ibababa ng CAB mula May 16-31
- PSA naglunsad ng digital system sa correction ng civil records
- Visa-free stay ng turista sa Thailand babawasan

