VIRAY ARESTADO NA
Arestado na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa sa mga akusadong kasama nina Senator Rodante Marcoleta , dating Representative Mike Defensor at isa pa para sa kasong inihain ng Sandiganbayan.
Ang negosyanteng si Aristotle Baluyot Viray ay naaresto 6:45 ng gabi nitong Lunes sa isang gasoline station sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue, Quezon City.
Nahaharap ang mga nabanggit na indibidwal sa kasong plunder na walang rekomendang pyansa.
Nabatid na nag-ugat ang kasong isinampa laban sa kanila matapos ang umano’y pag-amin ni Senator Marcoleta sa pagtanggap nya ng 75 milyong piso mula sa mga campaign donors nito para sa kanyang pagtakbo bilang senador noong 2025.

