Aminado ang “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro na bahagya nang dumadaing ang katawan niya ngayong umeedad na siya.
Sa latest episode kasi ng vlog ni Diamond Star Maricel Soriano kamakailan, kinumusta niya ang kalagayan ni Vhong.
“Anak,” sabi ni Maricel, “ang tanong ko, kumusta ka?”
“Magsimula muna tayo sa katawan. ‘Pag ganito palang umeedad tayo medyo…nagsasalita na po ‘yong katawan. Sinasabi niya, ‘Hindi mo na kaya. Sa isip mo na lang.’ Sa isip natin, magagawa ko pa ‘yon.” saad ni Vhong, bagay na sinang-ayunan naman ni Maricel.
“Ganyan din ang sinabi ko,” anang Diamond Star.
Dagdag pa ni Vhong, “Pero ngayon, sa mental, sa lahat, okay na okay po ako, Nay. Minsan may mga pagdadaanan tayo sa buhay, tine-test lang tayo ni God. Nilalambing lang tayo.”
Hindi naman na talaga nakapagtataka kung may nararamdaman na sa katawan si Vhong. Sa kasalukuyan, 49-anyos na siya noong lang Enero 4.
Nagsimula ang karera niya sa showbiz industry sa pagitan ng early ‘90s bilang bahagi ng all-male dance group na Streetboys.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

