Umakyat sa P19.39 trilyon ang kabuuang utang ng gobyerno ng Pilipinas hanggang katapusan ng Hulyo 2026, ayon sa Bureau of the Treasury.

Tumaas ito ng 1.70% o P323.53 bilyon mula sa P19.07 trilyon na naitala noong katapusan ng Hunyo 2026.

Ang pagtaas ay pangunahing dulot ng mga bagong pangungutang ng gobyerno at patuloy na paghina ng piso kontra dolyar at iba pang foreign currencies.

Sa kabuuang utang, mas malaking bahagi nito ay mula sa lokal o domestic debt na 67.61% habang 32.39% naman ang external debt o utang panlabas.

Tumaas ng 2.11 porsiyento ang domestic debt o P271.33 bilyon at naitala sa P13.11 trilyon.

Nadagdagan naman ng 0.84 porsiyento o P52.20 bilyon ang external debt tungo sa P6.28 trilyon.

 

 

 

 

 

I

Share.