Lumalala ang pag-atake ng US–Israel habang tinututulan ng Iran ang Usapang Pangkapayapaan.
Habang parehong tumitindi ang aksyon militar at tumatanggi sa kompromiso, walang nakikitang senyales ng paglamlam ng digmaan.
Nananatiling banta ang isang ground invasion, at ang Strait of Hormuz ang kritikal na fault line kung saan nagtatagpo ang labanan at pandaigdigang krisis pang-ekonomiya.
Nagpapalitan ng propaganda kontra propaganda kung saan binabanggit na may libo-libo nang US troops sa paligid ng Strait of Hormuz samantalang ipinangalandakan ng Iran ang isang milyong sundalong nag-aabang sa aktuwal na paglusob ng mga dayuhan.
Binomba ng Israel ang iba’t ibang lungsod sa Iran kabilang ang kabisera, at gumanti naman ang Tehran sa pamamagitan ng mga misil laban sa Israel at mga base ng US sa rehiyon.
Sa kabila ng ulat ng Washington tungkol sa isang labinlimang punto na panukalang pangkapayapaan, mariing itinanggi ng pamunuan ng Iran ang anumang negosasyon at nangakong ipagpapatuloy ang kanilang “resistensya.”
Tinamaan ng mga airstrike ang Tehran, Isfahan, Shiraz, Bandar Abbas, at Mashhad, na nagdulot ng malawakang pinsala at brownout.
Ganti ng Iran: Nagpakawala ng mga misil patungong Tel Aviv, Kiryat Shmona, at mga base ng US sa Kuwait, Jordan, at Bahrain.
Sumabog ang ilang bahagi ng Timog Beirut dahil sa pambobomba ng Israel, palatandaan ng lumalawak na digmaan.
Ipinahayag ni Pangulong Donald Trump na “panalo na tayo” at sinabing nagbigay ng konsesyon ang Iran sa Strait of Hormuz, bagay na itinanggi ng Tehran.
Nag-alok ang Pakistan na mag-host ng usapang pangkapayapaan, ngunit wala pang malinaw na progreso.
Nanatiling pinakamapanganib na chokepoint ang Strait of Hormuz. Kumpirmado ng Pentagon na may labindalawang naval mines na natuklasan at nilinis, habang nakadeploy na ang mga tropa ng Airborne sa Gulf.
Iginiit ng Iran ang kanilang “likas at legal na karapatan” na kontrolin ang Hormuz, sabay babala sa US at Israel na huwag “ipadala ang inyong mga anak sa impiyerno.”
Iniulat ng Al Jazeera na nagdulot ang digmaan ng pinakamalalang pagkagambala sa pandaigdigang kalakalan sa loob ng walumpung taon, partikular sa merkado ng langis.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

