Naglunsad ng mga bagong pag-atake ang US at Iran sa Persian Gulf nitong Lunes, Mayo 4, kasabay ng pag-aagawan sa kontrol sa Strait of Hormuz.
Ang palitan ng mga missile at deone ay matapos na maglunsad si US President Donald Trump ng panibagong hakbang para tulungan ang mga istranded na tanker at barko sa Hormuz.
Bago matapos ang araw, iniulat ang pagsabog at sunog sa ilang merchant ships at sinabi naman ng US na sinira nito ang anim na maliliit na Iranian military boats habang ang oil port naman sa United Arab Emirates, ang sinapul ng mga missile ng Iran.
Sa kaparehong araw, sinabi ni Iran Foreign Minister Abbas Araqchi na ang mga pangyayari ay nagpapakita ng kawalan ng military solution sa krisis.
Bagamat mayroong peace talks ay nagbabala siya sa US at UAE sa pagiging “quagmire by ill-wishers.”
“Project Freedom is Project Deadlock,” sinabi pa ni Araqchi na tumutukoy sa hakbang ng Estados Unidos para magkaroon ng tuluyang kontrol sa Strait of Hormuz.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

