Umapela si Tuesday Vargas sa mga may-ari ng puwesto sa palengke, canteen, at community pantry na tulungan ang mga magsasaka sa Benguet na nahihirapan umanong ibenta ang kanilang ani.
Sa isang Facebook post nitong Sabado, sinabi niyang tone-toneladang gulay ang hindi naibebenta dahil sa mataas na presyo ng gasolina.
Hinimok din niya ang publiko na makipag-ugnayan sa community leader para sa maayos na koordinasyon ng mga order, at tumanggap din umano ng cash donations para sa mga pamilya ng magsasaka sa hilagang Luzon na patuloy na nahihirapan.
“Sana po ay mahanap ninyo sa puso ninyong tumulong sa ating mga magsasaka na siyang gumagawa ng ating pagkain, kailangan po nila tayo. Salamat po,” sabi ni Tuesday.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

