Binuska ni Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino matapos harangin ng Pasig City Regional Trial Court Branch 152 ang P85 minimum wage increase sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
“Tama si DOLE Secretary Francis Tolentino, historic nga talaga ang mga nangyayari ngayon–historic na pangwawalanghiya sa mga manggagawang Pilipino,” pahayag ng mambabatas kasabay ng pahayag na “Hindi ka tol ng manggagawa.”
Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) sa pag-iimplementa sa P85 na umento sa mga manggagawa sa NCR na sinimulang iimplementa ang unang P60 noong Hulyo 25.
Ang inilabas ng TRO ng nasabing korte sa kasunod ng petisypn ng Readycon Trading and Construction Corp. and R-II Builders Inc.
“Matapos inanunsyo ang pinagmamalaki nilang P85 dagdag sahod sa NCR, bigla namang binawi sa bisa ng TRO mula sa Pasig RTC. Barya na nga, two-gives hulugan pa, tapos ngayon sinuspinde na ang garampot na umentong makakatulong sana sa mga manggagawa kahit papaano,” ani San Fernando.
Ayon sa mambabatas, labag sa labor law ang nasabing TRO dahil malinaw na nakasaad aniya sa Article 126 na “ “no preliminary or permanent injunction or temporary restraining order may be issued by any court, tribunal, or other entity against any proceeding before the Commission or the Regional Boards”
Nakasaad din aniya sa Article 123 ng Labor Code na anumang apela tungkol sa wage order ay dapat na dumaan sa National Wages and Productivity Commission ng DOLE kaya walang hurikdisyon ang Pasig RTC sa usapin ng pagtataas sa sahod.
“This is clearly encroachment by the judiciary on the quasi-legislative function of DOLE.Ang nakakabahala, sa halip na tumindig si DOLE Labor Secretary Francis Tolentino pabor sa nakasulat sa batas-paggawa, ‘e nagkukumahog pa siyang sumunod sa ilegal at walang batayang TRO ng Pasig RTC. Kapag pabor sa negosyante, nagkukumahog pero kapag para sa mga manggagawa, puro palusot? Secretary Tolentino, hindi ka TOL ng mga manggagawa!,” ani San Fernando.
“Sa Bagong Pilipinas na pinagmamalaki ni PBBM, Bigong Bigo ang mga Manggagawa!,” dagdag pa ng mambabatas.

Share.