NASILO ng mga otoridad ang manyakis na 20-anyos akusado sa tatlong count ng Statutory Acts of Lasciviousness nang makorner ng tumutugis na kapulisan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa natanggap na report ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng Malabon City Police Station ang akusado na nakatala bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Person ng Malabon CPS.
Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission, nang maglabas ang Regional Trial Court Branch 73, Malabon City, noong August 25, 2026 ng arrest warrat para sa tatlong bilang ng Statutory Acts of Lasciviousness at paglabag sa Section 10(a) ng R.A 7610 laban sa akusado ay agad nilang sinimulan ang pagtugis sa puganti.
Nang makatanggap ng tip mula sa isang ipormante ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Malabon Police na nakitang nakatambay ang akusado sa Brgy., Catmon ay agad silang nagkasa ng operation hanggang makorner ito dakong alas-2:30 ng hapon.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi ng pulisya ang nasabing warrant na may inirekomendang piyansa na kabuuang halaga na P404,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.(Roger Panizal)
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

