Naging mas espesyal ang NBA House Philippines 2026 nang dumalo ang four-time NBA champion na si Tony Parker sa aktibidad ng ArenaPlus nitong weekend sa Pilipinas.
Idinaos ang dalawang araw na immersive fan experience noong Agosto 29 at 30 sa SPACE at One Ayala, kung saan tampok ang mga NBA at basketball legend na sina Jason Kidd, Lauren Jackson at Parker.
Bilang official betting partner ng NBA sa Pilipinas, nagsagawa ang ArenaPlus ng iba’t ibang basketball-themed activities na nagbigay sa fans ng pagkakataong subukan ang kanilang basketball skills at kaalaman sa laro.
Isa sa mga naging highlight ng event ang pagbisita ni Parker sa ArenaPlus booth.
Nakipagkita ang dating San Antonio Spurs star sa mga miyembro ng ArenaPlus team at sinubukan ang basketball arcade at shooting challenge.
Nagdaos din ang ArenaPlus ng on-court trivia contest kung saan sinubok ang kaalaman ng mga participant tungkol sa basketball. Hindi lamang bragging rights ang nakataya dahil may mga premyo rin mula sa ArenaPlus para sa daily winners.
Ayon kay Ethan William, head ng ArenaPlus, naging dagdag-kulay sa matagumpay na weekend ang pagbisita ni Parker sa kanilang booth.
“ArenaPlus is proud to be part of NBA House Philippines and thrilled to give fans an experience that brings them closer to the game they love,” ani William.
Dagdag niya, mas naging espesyal ang kanilang aktibidad dahil nakaharap mismo ng fans ang isang basketball legend.
Hindi basta-basta ang basketball career ni Parker. Bukod sa kanyang apat na NBA championship kasama ang San Antonio Spurs, nakuha rin niya ang NBA Finals MVP award noong 2007.
Nakapasok din siya sa Naismith Basketball Hall of Fame noong 2023 bilang pagkilala sa kanyang makulay na karera sa basketball.
Hindi lamang sina Parker, Kidd at Jackson ang tampok sa NBA House Philippines. Nagkaroon din ng iba’t ibang attractions para sa basketball fans, kabilang ang NBA memorabilia display na tampok ang Larry O’Brien Trophy, mga autographed jersey at basketball.
Kasama rin sa event ang basketball skills challenges, photo installations, merchandise giveaways at game zone na nagtatampok ng NBA 2K27.
Nasaksihan din ng mga dumalo ang WNBA regular-season games, kabilang ang laban ng Washington Mystics kontra Los Angeles Sparks noong Agosto 29 at Toronto Tempo kontra Phoenix Mercury noong Agosto 30.
Para sa maraming Filipino basketball fans, naging pagkakataon ang NBA House Philippines na maranasan ang basketball culture ng NBA nang higit pa sa panonood sa telebisyon o online.
At para sa mga dumaan sa ArenaPlus booth, naging mas espesyal ang karanasan dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makasalamuha ang isang tunay na NBA legend.
sinagawa na rin sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Australia, Brazil, Canada, China, France, Germany, India, Japan, Mexico, United States at United Kingdom.

