Mismong ang Gonzaga matriarch ang nagkumpirmang minsan na palang inalok ni PBBM si Toni Gonzaga na tumakbong senador.
Si Pangulong Bongbong ay ninong sa kasal nina Toni at direk Paul Soriano.
The offer to run was probably made kung kailan naluklok sa puwesto si Bongbong.
Pero ayon kay Mommy Pinty, tumanggi raw si Toni.
Katwiran ng host-vlogger, hindi raw para sa kanya ang pulitika.
But Toni is not totally closing her doors on politics.
Kung tutuusin, siya lang naman ang maaaring magpatuloy ng legacy ng amang si Daddy Bonoy.
Hindi na nga lang nila ito pinatakbong mayor ng Taytay dahil sa edad nitong 70 anyos.
Mas gugustuhin nga naman ng pamilya nito na maka-bonding siya.
“Pasok sa banga” sana si Toni, but she didn’t file her CoC nu’ng 2025 elections.
Aniya, may mga “maliliit” pa raw siyang inaalagaan, referring to her kids.
But running is in her future agenda.
Sa taong 2028 ito malamang!
Sa anong elective post naman kaya–local o national?
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

