Bumaba ang public trust at satisfaction sa Senado noong ikalawang quarter ng 2026, habang tumaas naman ang parehong sukatan para sa House of Representatives, ayon sa pinakabagong “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research.
Ayon sa survey na inilabas nitong Huwebes, bumaba mula 44% sa 41% ang tiwala sa Senado, habang tumaas mula 24% sa 27% ang hindi pagtitiwala.
Bumaba rin mula 42% sa 38% ang satisfaction sa performance ng Senado, habang tumaas mula 27% sa 32% ang dissatisfaction.
Samantala, tumaas mula 36% sa 38% ang tiwala sa House of Representatives, habang bumaba mula 33% sa 28% ang distrust.
Tumaas din mula 35% sa 37% ang satisfaction sa performance ng Kamara, habang bumaba mula 35% sa 32% ang dissatisfaction.
Isinagawa ang survey sa 1,200 adult Filipinos mula Hulyo 4 hanggang 11, na may margin of error na ±3 percentage points at 95% confidence level.
Ayon sa OCTA Research, kasabay ng survey ang isyu sa pamumuno at pagbabago ng liderato sa Senado. Nangyari rin ito sa mga unang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kung saan nagpulong ang Senado bilang impeachment court noong Hulyo 6.

