Nasa malubhang kalagayan ang isang guro sa Basilan na kasama sa mga namamahala ng kanilang Taekwondo team ng biglang na-stroke sa kalagitnaan ng isang event sa Iranun Palace sa Parang, Maguindanao del Norte nitong Miyerkules ng hapon, April 15.
Agad namang dinala sa Cotabato Regional Medical Center ng mga emergency responders ang 57-anyos na pasyenteng si Catalino Catubig, school head ng Cadayan Elementary School sa bayan ng Akbar sa Basilan.
Malubha ang kalagayan ni Catubig, ayon sa nga kapwa school officials na kasama sa delegado ng Basilan sa kasalukuyang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Regional Athletic Meet sa Parang, isa sa 12 na mga bayan sa Maguindanao del Norte.
Ayon kay Myra Borja Mangkabung, Basilan Schools Division superintendent, na-stroke si Catubig habang ginagawa ang kanyang tungkulin sa loob ng Iranun Palace sa sentro ng Parang.
Mismong sila Mangkabung at kapwa mga Basilan School officials ang nag-aasikaso kay Catubig na ginagamot na sa CRMC, ang pinakamalaking hospital sa Cotabato City, ang kabisera ng BARMM.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

