INILUNSAD ng Southern Police District (SPD) ang Borderless Policing System o “Timpuyog” para palakasin ang operational coordination, information-sharing, at collaboration ng mga police units na lampas sa kani-kanilang territorial jurisdictions.
Ang Borderless Policing System ay magsisilbing gabay sa mga awtoridad para hindi makompromiso ang kanilang operasyon sa ibang lugar kung saan hindi sakop ng kanilang hurisdiksyon.
Samantala labing apat na Police personnel bilang natatanging pulis ng Southern Police District (SPD) bilang natatanging pulis ang pinarangalan nina NCRPO Chief P/Brig.General Christopher Abrahano at SPD District Director Pastor.
Binigyan diin ni NCRPO chief Abrahano na dapat magtulungan ang bawat himpilan ng pulisya dahil ang mga aktibidad ng mga kriminal na tumatawid sa mga border ng lungsod na nangangailangan ng mas malakas na koordinasyon sa mga police unit.
Ang “Borderless Policing System o Timpuyog ” ay binuo ni SPD Brig.General Pastor na posibleng tularan din ng iba pang district Chief sa Metro Manila.(Gina Garcia)

