Pansamantalang inalis ng Apple ang Telegram sa App Store para sa iPhone at iPad matapos matukoy sa isang imbestigasyon ang content na lumabag sa mga patakaran nito laban sa child sexual abuse material.
Inalis ang messaging app noong Lunes ng gabi ngunit ibinalik din matapos agad na burahin ng Telegram ang naturang content at i-block ang user na nag-upload nito, ayon sa pahayag ng Apple sa ilang US media outlets.
Bilang tugon sa pansamantalang pagtanggal, nag-post ang Telegram sa social media platform na X: “Reports of my demise are greatly exaggerated.”
Naganap ang insidente ilang linggo matapos isama ng Russia noong Hunyo 30 sa listahan nito ng terrorists at extremists si Telegram founder at chief executive officer Pavel Durov.
Nagsampa rin ng kaso ang Australian Office of the Internet Safety Commissioner laban sa Telegram dahil umano sa kabiguang alisin ang terrorism-related content sa platform nito.
====
Trending
- Diouf pinalitan si Kouame sa PH team para sa Jones Cup
- PH Blu Girls pokus sa Asian Games podium
- Arci, CEO ng sariling kumpanya
- Ina ni Rene, nagbukas ng booth ng Baterbonia collections!
- Mika, nawindang sa electric bill
- Telegram, inalis sa Apple App Store
- Inflation bumagal sa 6.2% noong Hulyo
- Chinese rocket debris babagsak sa Palawan, Sulu, Basilan

