Nalunod ang isang ama at dalawang anak habang naliligo sa ilog sa Davao City matapos biglang lumakas ang agos ng tubig.
Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente noong Martes ng hapon sa Talomo River sa Barangay Calinan Poblacion.
Kinilala ang mga biktima bilang isang 38-anyos na ama at kaniyang mga anak na apat at walong taong gulang.
Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), unang natagpuan ang bangkay ng pinakabatang biktima na palutang-lutang malapit sa lugar ng insidente.
Kinabukasan ng Miyerkoles ng umaga, natagpuan naman ang mga bangkay ng ama at ng walong taong gulang na bata sa dam canal ng National Irrigation Administration (NIA).
Sa imbestigasyon ng pulisya, naliligo umano sa ilog ang mag-aama nang biglang rumagasa ang tubig at tangayin sila ng malakas na agos.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

