Tumaas sa 2.59 milyon ang bilang ng mga walang trabahong Pilipino noong Hunyo mula sa 2.50 milyon noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng 4.9% unemployment rate, bahagyang mas mataas kaysa 4.8% noong Mayo.
Samantala, tumaas ang bilang ng mga may trabaho sa 50.66 milyon mula sa 49.63 milyon. Bahagyang bumaba ang employment rate sa 95.1% mula 95.2%.
Umakyat din ang labor force participation rate sa 65.1%, o 53.25 milyong Pilipino na may trabaho o aktibong naghahanap ng trabaho.
Tumaas din ang bilang ng mga underemployed o may trabaho ngunit naghahanap pa ng dagdag na oras o kita sa 6.11 milyon mula 6.04 milyon, habang bahagyang bumaba ang underemployment rate sa 12.1% mula 12.2%.
=====
Trending
- Kapakanan ng mga magsasakang maaapektuhan ng Pax Silica, ‘di dapat isantabi
- Higit 80K apektado kay Luis, Maymay, Habagat
- Quiboloy pinapa-extradite mula ‘Pinas
- Tambay sa Pinas nasa 2.59M noong Hunyo
- WTA rankings ni Alex Eala umangat sa No. 20
- Alas Pilipinas Women giba sa Indonesia, winless sa SEA V Cup Leg 1
- Yassi binigyan ng bf ng engagement ring, lupa’t cash
- Mariel, naglunsad ng ‘Protect Sen. Robin Padilla Movement’!

