Inaasahang magkaiba ang magiging galaw ng presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo.
Napaulat na posibleng tumaas ang presyo ng gasolina ng hanggang P5 kada litro, habang maaari namang bumaba ang presyo ng diesel ng hanggang P9 kada litro.
Ayon sa mga oil industry source, maaaring pang magbago ang taya depende sa galaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado at sa magiging abiso o posibleng interbensyon ng Department of Energy (DOE).
Wala pang opisyal na anunsyo ang DOE tungkol sa inaasahang price adjustment sa susunod na linggo.
Gayunman, nauna nang nagbigay ng pahiwatig ang DOE–Oil Industry Management Bureau na posibleng magkaroon ng malaking rollback sa diesel at kerosene, kasabay ng inaasahang pagtaas naman sa presyo ng gasolina batay sa umiiral na galaw ng merkado.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

