Suspensyon ng tatlumpung araw at mandatory drug test ang agad na ipinatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver na nambastos sa aktres na si Xyriel Manabat.
Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, tiyak na mananagot ang driver sa hindi paggalang sa isang pasahero.
“No woman deserves to be treated this way. This is the reason behind our Bawal Bastos campaign, and this campaign against sexual harassment and discrimination in public transportation will serve as our motivation and basis in holding accountable this TNVS driver,” pahayag ni Mendoza nitong Sabado.
Habang isinasagawa ang imbestigasyon, sinuspinde ng 30 araw ang driver at ipinasailalim sa mandatory drug test ang driver.
Itinakda ng LTFRB ang pagdinig sa kaso sa Abril 28 kung saan bibigyan ng pagkakataon ang driver na makapagpaliwanag kung bakit hindi siya dapat suspindihin o bawian ng prangkisa.
Ayon pa kay Mendoza, personal niyang tututukan ang kaso at titiyaking mapapanagot ang driver sa ginawa niyang pambabastos sa pasahero.
Trending
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider
- ‘Missing’ na nene, natagpuang bangkay nakasilid sa sako

