Walang kasalang Bea Alonzo-Vincent Co sa May 16 ang magaganap.
Ito ang iginiit ng showbiz reporter na si Francis Simeon sa kanyang Facebook post.
Ani Francis, “misleading” daw ang napaulat na pagpapakasal ng Kapuso actress sa kanyang negosyanteng kasintahan sa May 16.
Sa Spain ang balitang wedding venue.
Pero totoo nga bang mapapaaga ito kesa sa May 16, kung saan may welcome party daw para sa respective families, friends at mga panauhin sina Bea at Vincent?
Ang tsika pa, bukod sa mas maaga daw ito’y magaganap ang pag-ilsang-dibdib sa dalawang magkahiwalay na location sa southern part ng Spain–totoo ba?
Dinagdag pa ni Francis, as early as January ay naipamigay na daw ang mga imbitasyon sa kasal.
Hintayin na lang natin mismo ang kumpirmasyon mula kina Bea at Vincent.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

