Inihayag ni CEO George Royeca na bababaan nila ang kinukuha nilang komisyon mula sa kita ng kanilang mga rider.
Aniya, mula sa dating 20%, ibababa na ito sa 18% para sa lahat ng mga rider.
Layunin nitong makatulong sa mga rider ngayong panahon ng krisis.
Bukod sa bawas komisyon, mananatili pa rin aniya ang kanilang “tiered commission scheme” na 15% hanggang 0%.
Ito ay nagsisilbing dagdag na insentibo para sa mga rider ng nasabing motorcycle taxi app.
“We will lower po our commission para sa lahat ng aming bikers from 20 percent down to 18 percent while still maintaining the tiered commission scheme of 15 percent up to zero percent as added incentives of our bikers during the crisis,” pahayag ni Royeca sa isang pagdinig ng Kamara nitong Abril 15.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

