Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Sugar Mercado dahil waging-wagi siya sa ‘Stars on the Floor’ at nakapag-uwi nga siya ng P1 milyon, ha!
Partner niya sa panalong ito si Hori7on Jeromy na iyak din nang iyak na katulad ni Sugar.
Well, buwis buhay rin naman kasi ang ginawa nilang dance routine sa grand finals, ha!
“Lord God Jesus ikaw to, walang hanggang pasasalamat po Ama. Ikaw po ito. Lahat ng hirap, pagod, saya,kaba sulit. Mas naging matatag ako sa show na ito. Salamat Stars on the Floor. Maraming salamat sa inyong lahat. Horizon Jeromy bunso, nanalo tayo. Salamat!” chika ni Sugar.
At siyempre, aprub naman ang panalo nilang dalawa sa mga netizen, at kapwa mga artista.
“Deserve!” sabi ni Ashley Ortega.
“Congratulations sa inyo Ate Sugar. Solid. God bless you more!” sabi ni Rodjun Cruz.
“Congratulations Ate Sugar!” hirit ni Althea Ablan.
“That’s my bff. Congratulations Ate, you worked so hard for this.”
“Well deserved. And thank you for sharing your talent and hard work!”
Anyway, dumalo nga pala sa grand finals na `yon si Anne Curtis, bilang suporta naman sa kanyang kapatid na si Jasmine Curtis Smith.
At siyempre, pasabog din at all out talaga ang energy na binigay ng mga dance authority na sina Marian Rivera, Rayver Cruz, Coach Jay.
“Ang galing pa rin talaga ni Marian magsayaw!” sigaw ng mga netizen.

Share.