Bumawi ang Team Spain matapos ang nakakadismayang laro nito sa unang group match kung saan nabigo ang bigating koponan na gumawa ng anumang goal laban sa Cape Verde.
Sa naging laban ng Spain ngayong araw kontra Saudi Arabia, tinambakan nito ang huli sa score na 4-0.
Sa unang sampung minuto pa lamang ng laro, agad na nagpasok ang 18-anyos na teenage sensation na si Lamine Yamal ng isang mabilis na slide shot sa assist ni Mikel Oyarzabal.
Ito ang kauna-unahang World Cup goal sa karera ng batang pambato ng Barcelona.
Sinundan pa ito ng Spain bago pa man sumapit ang ika-25 na minuto. Magkasunod na naipasok ni Mikel Oyarzabal ang dalawang goal sa loob lamang ng tatlong minuto
Dahil sa magkakasunod na goal, nabaon ang Green Falcons sa 3-0 bago pa man mag-halftime.
Pagsapit ng ikalawang bahagi ng laban, lalo pang nabaon ang Saudi Arabia matapos magkaroon ng isang hindi inaasahang own goal ang kanilang defender na si Hassan Altambakti sa ika-49 na minuto.
Ang naturang goal ay bunsod ng malakas na sipa ng Spanish striker na si Marc Cucurella na tumalbog kay Altambakti.
Bagamat sinubukan ng Saudi Arabia na pumalag at gumawa ng mga counter-attack, hindi sila nakalusot sa solidong depensa ng Espanya.
Nagkaroon pa sana ng ikalimang goal ang Espanya sa huling minuto sa pamamagitan ni Ferran Torres, ngunit ito ay pinawalang-bisa matapos ang mahabang pagsusuri ng VAR dahil sa offside.
Dahil sa panalo, ang Espanya na ang nangunguna ngayon sa Group H hawak ang apat na puntos.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

