Dinomina ng Spain ang pisikalang laban kontra Austria at ibinulsa ang 3-0 panalo sa kanilang FIFA World Cup Round of 32 match sa Los Angeles.
Mula simula hanggang dulo, hawak ng La Roja ang kontrol laban sa kapwa European team. Nagsimula ang scoring sa ika-36 minuto nang itarak ni Mikel Oyarzabal ang unang goal mula sa low cross ni Marc Cucurella.
Pagpasok ng second half, pinalawig ng defender na si Pedro Porro ang kalamangan sa 2-0 sa ika-66 minuto sa pamamagitan ng isang header mula sa assist ni Álex Baena, na siya ring kauna-unahang international goal ni Porro para sa kanyang bansa.
Sa ika-89 minuto, muling rumesbak si Oyarzabal at binasag ang offside trap upang maipasok ang kanyang pangalawang goal, muli sa tulong ni Cucurella, na tuluyang nagselyo ng 3-0 panalo para sa Spain.
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

