Nalampasan ng South Korea ang matinding hamon matapos nitong baligtarin ang laban para sungkitin ang 2-1 panalo laban sa Czechia sa kanilang unang laro sa Group A ng 2026 World Cup nuong Huwebes, Hunyo 11.
Ginanap ang labanan sa Estadio Akron sa Mexico, kung saan naging salik sa panalo ng mga “Taegeuk Warriors” ang mataas na lokasyon o elevation ng lungsod.
Bagamat hindi nakapuntos ang kapitan ng South Korea na si Son Heung-min, agresibo itong umatake bago pinalitan sa ika-69 na minuto ni Hwang Hee-chan, na siyang nagpasok ng krusyal na panalong goal.
Unang nakapuntos sa ikalawang bahagi ng laro ang Czechia sa pamamagitan ni Ladislav Krejčí.
Ito ang kauna-unahang goal ng Czechia sa World Cup matapos ang 20 taon, mula noong huling sumali ang bansa sa torneo noong 2006.
Dahil sa resulta, nakisabay ang South Korea sa co-host na Mexico na una namang nakuha ang liderato sa Group A matapos talunin ang South Africa sa iskor na 2-0, sa isang mainit na larong nagkaroon ng tatlong red card.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

