Isang simpleng mensahe tungkol sa kabutihan ang ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram Story na agad napansin ng kanyang followers.
Sa halip na makisawsaw sa iba’t ibang isyu, mas pinili ng Megastar na magbahagi ng positibong paalala sa social media.
Tahimik man si Sharon pagdating sa mga kontrobersiya, madalas naman siyang mag-repost ng mga inspirational at faith-based posts na nagbibigay ng good vibes sa kanyang followers.
Sa isa niyang ni-share na art card, mababasa ang mensaheng: “The golden rule: treat others the way you want to be treated. Matthew 7:12.”
Marami sa kanyang followers ang nakapansing puro positibong mensahe ang laman ng kanyang Instagram Stories nitong mga nakaraang araw.
Para sa ilan, tila paalala ito ng Megastar na pairalin ang respeto at kabutihan sa kapwa sa halip na magkalat ng negatibidad online.
Bagama’t wala namang direktang tinukoy si Sharon, may mga netizens na naniniwalang ang kanyang ibinahaging quote ay nagsisilbing paalala sa mga mahilig mang-bash at magpakalat ng negatibong komento sa social media.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

