Nakiusap si Shaira Diaz sa mga netizen na maging mas mabait at sensitibo sa pagbibigay ng komento matapos siyang makatanggap ng puna tungkol sa kanyang timbang at kumalat ang espekulasyong buntis siya.

Ibinahagi ni Shaira ang kanyang saloobin kasabay ng mga larawan mula sa kanyang biyahe sa Finland kasama ang mister na si EA Guzman.

“I am aware that I gained weight, and I’m not proud of it. I’m trying, pero ang hirap talaga magpapayat. I’m dealing with metabolic and hormonal issues related to PCOS, and I’m sure marami rin ang nakaka-relate sa struggle na ’to,” ani Shaira.

“Kaya sana naman, let’s be a little kinder and more sensitive. You never really know what someone is going through,” dagdag pa niya.

Ipinaalala rin ng aktres na hindi alam ng mga tao ang tunay na pinagdaraanan ng isang tao kaya dapat maging maingat sa mga komento, lalo na sa social media.

“Nakakalungkot lang kasi grabe makalait yung iba, as if you know everything that’s happening in someone else’s body and life. Inaano ko ba kayo? Ang pe-perfect niyo naman,” saad niya.

Diretso ring nilinaw ni Shaira ang mga kumakalat na balitang buntis siya.

“And to those spreading false information, I am not yet pregnant. Thank you sa lahat ng na excite pero malalaman niyo from us kung oo.”

Inamin din niyang tao lamang siya at mayroon ding mga insecurities sa kanyang katawan.

“I’m only human. I gain weight, I struggle, and I have insecurities too. I’m doing my best na hindi maapektuhan pero again, tao lang ako.. A little kindness goes a long way,” paalala niya. “God bless you all.”
=====

Share.