HINDI sapat ang mataas na sahod; kailangan din ng mga manggagawang Pilipino ang seguridad sa trabaho, sapat na benepisyo, at proteksyon laban sa mga mapagsamantalang pautang.
Ito ang binigyang-diin ni 1Tahanan Partylist Rep. Nathan Oducado kasabay ng panawagan sa Kongreso na madaliin ang pagpasa sa mga panukalang batas na magbabantay sa kapakanan ng mga manggagawa at magpapalakas sa kanilang kabuhayan.
“Labor Day must be more than a commemoration—it must be a commitment to pass laws that truly uplift Filipino workers,” pahayag ni Oducado.
Kabilang sa mga isinusulong ni Oducado ang HB 6960 o ang “Security of Tenure and Civil Service Eligibility for Long-Serving Casual and Contractual Government Employees Act na naglalayong bigyan ng civil service eligibility ang mga kuwalipikadong “long-serving” contractual workers sa gobyerno upang matiyak ang kanilang permanenteng posisyon.
“This measure recognizes the dignity of public servants who have long delivered essential government services despite insecure employment status,” ani Oducado.
Isinusulong din niya ang HB 8741 o “Service Incentive Leave Act of 2026” para dagdagan ang bayad na leave ng mga manggagawa.
“Rest is a fundamental right that sustains productivity and protects the well-being of every worker,” giit nito.
Binigyang-diin din ng solon ang proteksyon laban sa mga “predatory lending” o mga pautang na may sobrang taas na interes sa pamamagitan ng HB 6980 (Credit Cards and Loans Penalties and Surcharges Regulation Act).
“walang manggagawa ang dapat mabaon sa utang dahil sa hindi patas na sistema ng mga nagpapahiram ng pera,” pahayag nito.
Kasabay nito, itinutulak din ang HB 6968 o “Strengthening Access to Credit for Micro and Small Businesses Act of 2025” upang mas madaling makakuha ng puhunan ang mga manggagawang nais magnegosyo.
“Honoring workers means passing laws that secure their present and strengthen their future,” pagtatapos ni Oducado.

Share.