Nakipagduweto si Sarah Geronimo sa kanyang ama kung saan kinanta nila ang “Refrain” ni Jose Mari Chan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Sarah na ang pagkanta kasama ng kanyang amang si Delfin ay regalo niya sa kanyang sarili.
“This is a gift to myself, to everyone and my father. To celebrate him and our love for music,” ayon sa caption ni Sarah.
Ayon naman sa tatay ni Sarah, maiyak-iyak siya habang nakikipagduweto sa kanyang anak.
“Sobrang proud ako sa anak ko,” ani Tatay Delfin.
“Sobrang saya ako at masyado akong na-touch sa mga kanta parang kasi habang kumakanta kami, para akong maiiyak,” pahayag pa ng ama ni Sarah.
Ayon naman kay Sarah, “Sobra akong masayang-masaya dahil I got to do this with the dearest person in my life, siyempre ang tatay at nanay ko.”
Dagdag pa ni Sarah, isa itong dream come true.
“Kasama ko ang tatay ko ngayon sharing beautiful music performing together is such a dream come true,” aniya.
Ang kanilang duweto ay ini-upload ni Sarah sa kanyang YouTube channel.
====
Trending
- Fajardo pinawi ang pangamba sa pagkatalo ng Beermen
- NLEX, nanatiling walang talo sa PBA Governor’s Cup
- Bea Alonzo naglilipat na sa bagong tahanan
- Winwyn Marquez may hanash vs AI project
- Sarah Geronimo nakipagduweto sa ama
- Nuclear energy pag-aaralan ng gobyerno
- Unang Ginang napaluha sa talumpati ni PBBM
- Marcos: Pilipinas ‘di pasisiil sa manlulupig

