Iniintrigang nagdadalantao si Sarah Geronimo, dahilan para mag-back out siya sa 5th Aurora Music Festival nitong May 2 sa Clark Global City, Pampanga.
Naglabas ng dispensa at pang-unawa ang Viva Artists Agency at ang G Productions dahil dito.
Ang health condition ng Popstar Royalty ang itinuturong dahilan ng kanyang ‘di pagsipot.
Dahil dito, siya ay pinayuhan ng kanyang doktor na magpahinga.
Agad dinaluhong ng mga komento ang nangyari—may higit 1,000 reactions sa loob lamang ng isang oras.
Nag-aalala ang mga netizens, lalo na ang mga nakabili ng ticket.
Ayon sa isang fan: “She’s my main reason for coming!”
May mga humiling pa nga ng kahit isang kanta lang mula kay Sarah.
FYI, nasa 150K ang bilang ng crowd noong 2025 para sa hot air balloon display sa loob ng dalawang araw.
Supposedly, ang SB19 at IV of Spades ang magtatanghal nitong May 2.
Samantala, gusto na lang isipin ng mga masugid na tagahanga ni Sarah na ang dahilan ng kanyang last-minute withdrawal ay may kinalaman sa kanyang “pagbubuntis.”
Lahat kasi sila ay sabik nang malaman kung nasa interesting stage na ang kanilang idolo—lalo pa’t matagal na silang ikinasal ni Matteo Guidicelli.
Trending
- Karate star, panauhin sa TOPS Usapan
- Alex Eala ready kontra Frech sa Rome
- Matet, nagpatutsada sa mana
- Sarah, buntis?
- Kim-Paulo wedding, sa US gaganapin?
- Ceasefire epektibo pa rin kahit nagpalitan ng atake
- 20 katao sugatan sa banggaan ng jeepney, SUV sa Isabela
- Sulfur dioxide emissions ng Bulkang Taal tumaas

