Nitong April 14 ang huling taping day ng Encantadia Chronicles: Sang’gre na kinunan sa Botolan, Zambales.
Bago ito’y nagkaroon muna ng briefing ang buong produksyon isang araw bago ang last taping sked to make sure na walang aberya sa takbo ng kanilang magiging trabaho.
Matatandaang unang napanood ang drama-fantasy series sa GMA noong June 16, 2025.
Ang huling episode nito’y eere sa May 8 ng kasalukuyang taon.
Bale ang show na ipapalit sa Sang’gre ay ang The Master Cutter tampok ang GMA Primetime King na si Dingdong Dantes.
likot ang kuwento sa isang dating scout ranger na naging sastre gamit ang kanyang abilidad para labanan ang isang sindikato.
Pero magkakaroon muna ito ng streaming sa Netflix sa May 8.
If plans don’t miscarry, sa May 11 eere ang pilot episode nito mula sa direksyon ni Dominic Zapata.
Si Zapata din ang nagdirek ng Pulang Lupa, My Husband’s Lover at iba pang tinangkilik na teleserye sa GMA.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

